You Cant Win at Everything But You

November 19th, 2009

Lola Rosa’s 91st Birthday

91st birthday kahapon ni Lola Rosa. Wish ko lang makita niyo ko diyan sa picture. Hahaha! The Webbs ladies and gentlemen. Kulang pa nga yan eh.

image
image image
18112009220 18112009221

Weee… ang dami talaga! Hahaha! Sobrang busog kahapon sa Dad’s sa may Megamall. Ayun, tapos pumunta Italianis sa Greenbelt 2 after para imeet si Barry and Rhitz-na-may-semi-bf. Hahaha! Then mga 1AM na nakauwi tapos kanina lang kasama ko si Ryan sa SM Sta. Mesa. Dun pala siya nagrereview. Hinihintay niya jowa niya sinamahan ko muna. Then nagshopping ng onti. Then pumunta sa bahay ni Ate then umuwi na rin agad. O di ba? Ang bilis ng kwento ko? Dami kasi nangyari, hirap na idetalye. Hahaha! Update you soon Mr. T!

Posted by subtlebliss at 09:34 AM in Everyday Drama, Updates, Family | 1 Comments. =)

November 16th, 2009

Think Happy Thoughts

Had dinner in Gloria Maris with family. Had a Yellow Cab lunch with pharmacists, nurses and staffs. Also had ice creams. Had an out-of-hand greetings from people on Facebook, Friendster, YM, texts, e-mail, and in person. Really felt special. So was the menu:

16112009208 16112009211
16112009209 16112009210

I can’t thank you guys enough. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga nakilala ko, sa mga sinaktan ako, sa mga taong umalis, sa mga taong bumalik, sa mga taong nasaktan ko, sa mga taong napasaya ko, sa mga taong pinasaya ko, at kung sino sino pang tao, MARAMING MARAMING SALAMAT SA PAGIGING PARTE NG 24 TAON KO SA MUNDO. Buong pusong pagpapasalamat ang aking handog.

Kung may wish man ako ngayon para sa birthday ko at para sa Pasko at sa susuod na taon, tatago ko na lang sa sarili ko. Di ba Mr. T! mas okay yun? Kaya wala kong wishlist entry ngayon. Hehehe! Salamat din sa blog na toh dahil 6 years na kong nagcecelebrate ng birthday ko dito. Kasama si Mr. T! Thanks Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. At Happy 24th Birthday ulit sa kin. Let’s see what lies ahead

Posted by subtlebliss at 12:50 PM in Everyday Drama, Food and Dining, Family | 4 Comments. =)

November 15th, 2009

2nd Weekend, November 2009

Nung Friday, went with Jeffrey (nope hindi si Jeffrey as in Jeffrey) sa Megamall para samahan siyang bumili ng laptop. And then sumunod ako kina Luis sa Music 21 sa Jupiter. Kasama sina JP (bf ni Che), Che, Bea, Franz. O di ba? Party talaga kahit super late na ko dumating, hinintay talaga nila ko. Sweet. Then kinuha yung kotse ni Luis sa Las Pinas then hinatid ako ni Luis sa bahay. Past 12AM na ko nakauwi Mr. T! Sobrang saya.

13112009202

Saturday was Divisoria Day with Sabs. Sobrang whole day kaming nagbonding. From 10AM to 1AM kinabukasan magkasama kami ni Sabs. O di ba? Sobrang tagal mamimili ni Sabs. Hahaha! Medyo pagod na ko at gusto ko na umangal nung wala pang nabibili si Sabs pero okay lang. Nageenjoy din ako katitingin ng mga kung anu-ano sa Divisoria lalo na yung China phone na n97. Super gaya except firmware. Hmmm… tapos yun, around 5PM na si Sabs natapos mamili. Then sinamahan ko siya til Paranaque dahil hindi niya talaga kakayanin mga pinamili niya. Nakapunta ko sa bahay ni Sabs and nakita ko mga kapatid niya. Natuwa naman ako. Tapos, magkikita dapat sila ni Izvet. So sabi ko kay Sabs libre ko na lang sila movie sa Megamall. Pero nung nasa Megamall na kami, si Izvet nagbackout. So nagdate kami ni Sabs. Ayun, 2012 pinanood namin. Okay yung movie na weird. Hahaha! Then mga 1AM na kami naghiwalay dahil hinatid ko pa si Sabs sa sakayan ng bus. Sobrang enjoy kahit pagod Mr. T! Sobrang saya rin kahit traffic sa may Sucat. Dahil walang katapusan kwentuhan namin ni Sabs.

Sunda, kanina. Panalo si Pacquiao! Sa Club Manila East kami nanood. Dun kasi nagcelebrate anak ng pinsan ko na si Gab. Ayun, sobrang saya dahil panalo na si Pacman, may swimming pa. Galing din ng La Diva in singing the Philippine Nation Anthem. Kauuwi lang namin Mr. T! And kagagalin ko lang pala sa bahay ni Ate. Nilakad ko from there pauwi. And habang naglalakad, nagulat ako at sinabi sa sarili ko na “WOW, BIRTHDAY KO NA PALA MAYA-MAYA!”. At birthday ko na nga pala less in than three hours…

At si Rhitz, may sobrang napakagandang kwento. Kept me smiling the whole time na pauwi kami galing Club Manila East. Sana this is it na! Masaya ko pagmasasaya kaibigan ko.

Sa totoo lang hindi ko alam nararamdaman ko habang papalapit birthday ko. Hays…

Posted by subtlebliss at 12:05 PM in Everyday Drama, Updates, Food and Dining, Family | Comment!

November 10th, 2009

Still Thankful

Nagshopping kami ni Ate sa Greenhills kanina Mr. T! Together with Emo. Wala, nagwaldas na naman ng pera. Yun lang. Para may update lang kahit papano. Kasi miss na kita Mr. T! Gusto ko magdrama pero napapagod na ko. Kagabi hindi ako masyadong makatulog. Salamat sa mga malalapit kong kaibigan at kinausap nila ko despite ng kagagahan ko. Salamat salamat. Marami pa kong dapat ipagpasalamat. Napapareflect ako kanina habang papunta at pauwi galing trabaho, marami talagang dapat ipagpasalamat. 

At yung cellphones ko parang walang mga silbi. Hahaha! Parang pandisplay lang. Hahaha! Puro utos ng nanay, at mga kapatid ko ang nasa inbox. Kaya yung IMMORTAL10 ko nung Friday last week, buhay pa! Hindi pa ubos! O di ba?

Ano pa ba... hmmm... yung lang muna Mr. T! Yung wishlist ko grabe hindi talaga ko makaisip eh. Saka na siguro pag may pumasok na sa utak ko. Update you soon Mr. T!

Posted by subtlebliss at 12:14 PM in Everyday Drama | Comment!

November 8th, 2009

Rhitz @ 24

Yesterday, sobrang saya. November 4 birthday ni Rhitz pero yesterday kami nagcelebrate. Together with Benson, Barry and Rhitz, nagcelebrate kami ng birthday ni Rhitz sa Century Park Hotel. Yep, eat-all-you-can. Ako ata nagsuggest na dun kumain since dun ang may pinakamasarap na sashimi. Wahehehe! Ayun, late ako. Silang tatlo nauna na. Kwentuhan, usapan. Then dumaan ng BHS naglakad lakad. Then tumuloy sa Antipolo para mag-inuman. O di ba ang saya? Ayun, maiksi lang entry ko dahil inaantok na ko. Baka mapadrama lang ako pag humaba to. I’ll cut it short na lang.

image

Ayun. Ayan mga pics. Shet parang walang kwenta tong entry na toh. Nakakatawa kasi sabi ni Rhitz hindi niya raw gusto regalo namin sa kanya ni Barry. Same pa kami ng binili ni Barry dahil nag Galleria kami nung Friday. Hahaha! Well sabi niya, Mark and Spencers naman and nanggaling sa min kaya naappreciate niya raw regalo namin. Hahahaha! Halatang wala ako sa mood magblog. Wah… update you soon Mr. T!

P.S. 1 week na lang pala birthday ko na. Wala pa rin akong nagagawang wishlist…

This entry contained scripting, which has been removed for your safety. Click here to see the entry in its entirety.

Posted by subtlebliss at 01:22 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 2 Comments. =)

November 3rd, 2009

I Remember the Boy Not the Feeling

Not more than 2 short years ago…

“So umikot ikot muna kami sa loob ng Market Market. Ang saya. So naghanap kami ng kakainan Mr. T! Ayun, pinulot kami sa North Park. Naku, yung Sweet and Sour Pork at Honey Lemon Chicken dun magkasinglasa! Blech! Buti kaharap ko si Chris! Hahaha... ayun nagpicture moments pa kami dun sa North Park Mr. T! It was so surreal. Nakakapagtake na ko ng pic ni Chris? Totoo ba toh? Hindi na silent si Chris? Totoo ba toh? Ang daldal na rin ni Chris Mr. T! I’m loving it. :D Anyways, after naming kumain, si Chris nagbayad, hindi ko alam kung libre or utang yun. Nalabuan ako. Anyways, tumila na yung ulan after naming kumain sa North Park.” 


May 10, 2008

03112009193
November 3, 2009

Siguro Mr. T!, wala lang magawa si Chris kanina dahil napospone yung meeting niya kaya nakipagkita siya sa kin at nilibre pa ko sa North Park ulit. Or dahil alam niyang sad ako? Or dahil ngayon niya lang narealize na yung office niya malapit lang sa Ospital ng Makati? Hmmm… same table, almost-the-same food. Sobrang kulit ni Chris kanina Mr. T! Ayoko talaga magkwento pero napakwento ko. Shucks. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko kanina. Naisip ko rin naman na Chris has become one of my super duper closest friends. Seryoso ko dun. Naisip ko rin naman na malawak utak ni Chris kung magkukuwento ko ng mga nangyari sa kanya. At least may napagsabihan na ko. Kung baket ang lungkot lungkot ko.

Hay… napasaya ko ni Chris kahit papaano kanina. May mali sa pagkikita namin ni Chris kanina eh Mr. T! Ngayon kaya ko ng sabihin, wala na kong nararamdaman para kay Chris. Mahal ko si Chris and I care about Chris, pero hanggang dun na lang yun. Namiss ko rin siya Mr. T! Matagal tagal na rin kaming hindi nagkita. Tama siya nung sinabi niyang hindi naman habang buhay na may mararamdaman ako para sa kanya. Nagkatotoo yun. Pero ang alam ko hindi ko kasalanan yun kung nawala man yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero sumaya ko kanina. Salamat Chris.

This entry contained scripting, which has been removed for your safety. Click here to see the entry in its entirety.

Posted by subtlebliss at 12:36 PM in Everyday Drama, Food and Dining | 3 Comments. =)

November 1st, 2009

Try Sleeping with a Broken Heart

Kakakausap ko lang kay Deck sa phone Mr. T! Hindi ko matatago na malungkot ako. Sobrang lungkot. Hindi masyadong makapag-isip utak ko. Siguro resulta na rin ng puyat at pagod at epekto ng alcohol. Tinanong ko na naman sa sarili ko ang lagi kong tinatanong Mr. T!, "Kulang pa ba?". Sa pagkakataong toh, hindi ko na alam. I've loved enough to hurt.

Rams, while he was about to drop me off sa Ortigas kaninang umaga, may na-open siyang topic. He was polite enough not to open it up sa harap kanina ng ibang tao. Napa-isip ako sa mga sinabi ni Rams. Hindi naman ako galit eh Mr. T! Nasaktan lang ako pero wala naman akong karapatan. Siguro, sanay na ko masaktan at magselos ng wala namang karapatan. Hindi ko naman sinasadya na maramdaman ko yun. Kung pwede lang pigilan yung nararamdaman ko eh di sana matagal ko ng pinigilan.

The things you don't know won't hurt you. Sabi ni Deck kanina. Pero para sa kin, it's better to know than to wonder. Okay na sa kin na masaktan ako huwag lang talagang nagmumukha akong tanga. Na hindi ko alam mga nangyayari. Na akala ko okay lang lahat pero maraming nangyayari sa likod ko. Na akala ko na ganito ganyan, pero hindi naman talaga. Mas importante sa kin na alam ko ang katotohanan, kesa isip ako ng isip at nagmumukha na pala akong tanga.

Sometimes, I say things I don't mean. This happens pag nasasaktan ako. Pag naguguluhan mag-isip utak ko. Pag alam kong it's my only way para masaktan din yung nakasakit sa kin. Alam kong masama yun. Pero pag bumalik na ko sa senses ko, nagsosorry naman ako. And I make up for the things I've said. Alam kong mahirap burahin yung mga bagay na nasabi mo na, but at least, nasabi mo. Nakasakit ka nga lang. And siguro, sa mga masakit mong nasabi, baka maparealize yung nasabihan mo nun.

Handang handa na kasi siguro ako magkarelasyon. People often tell me that pag nagkukuwento ko tungkol sa mga lumalapit sa kin. When I want people so badly, I don't look elsewhere. Sa kanila lang ako nakatingin. At sa kanila lang. Sometimes, I expect them to be that way. At mali ako dun. Last night, yet again was a testimony, I met a lot of guys. I even had sex and even 30somes invitations. People were asking for my numbers. Strangers were trying to kiss me here and there and even holding my cock thinking I was so drunk. Still I didn't give in to these things because I've set my mind and heart to this person. Kahit alam kong I don't need to be faithful dahil hindi naman kami. 

Nasasaktan ako. Oo. Because I expect people to do the same what I do for me. Tragedy. It will only lead me to a tragic ending Mr. T! I never should expect they do the same. I'm sorry. 

I hate this once a upon a time withoug a happy ending. Laging ganito Mr. T! Does it always have to be like this? Kaya ko namang kumapit hanggang sa makakayanan ko eh. Maglelet go lang naman ako kung sasabihin sa kin. Masakit alam ko. Pero kung yun ang gusto nila, who can stop them? Eh kung hindi ko nga sila natulungan ayusin mga issues nila eh. What more stop them from letting me go. Nakakalungkot. I've never been this down.

I thought I know enough about love. Hindi talaga. And will I ever? I don't know. I'm holding on to whatever I'm holding right now. Nobody can tell me to let go or move away. I've always wanted to reach that happy ending. And if it's gonna cost me pains and troubles, I don't care as long as I'll eventually get there. Even if you tell me na bumitiw na ko...

Posted by subtlebliss at 12:51 PM in Everyday Drama | 2 Comments. =)

October 27th, 2009

Feelings Show

Ang dami na nangyayari sa buhay ko lately Mr. T! Ni iupdate ka hindi ko na magawa. Sorry talaga.

Okay naman ako. Updates pag di na masyadong busy.

Ayun, kung may isang dahilan baket maganda at maaliwalas bawat umaga ko, isa yung nagsend sa kin ng text nito nun...

"Gusto kita Jacob. Gusto ko yung friendship natin. It's one of a kind. Natry ko igauge kung kaya ko ba na matiis ka kaso hindi talaga. You're extremely valuable to me now. You're the person that drives me crazy. Sometimes I don't wanna share you. You make me feel super accepted. I love you Jacob..."

Siguro alam mo na rin, I love you too

Posted by subtlebliss at 01:28 PM in Everyday Drama | 1 Comments. =)

« Newer | Older »