"Sa school sa flag ceremony, hanggang uwian araw-araw, hinahanap hanap kita"
Hinahanap hanap kita - Rivermaya
Okay, wala lang. Minsan, feeling ko na ako yung mababaw na tao. wala lang. I mean, parang ngayon ko lang na realize na yung mga pinaka simpleng bagay na naranasan ko ay ayun talaga yung matatawag kong "pleasures of life". OMG, tama ba tagalog ko? hahah. Mga tipong simpleng kasiyahan ko nung bata ako.
Parang ang kasiyahan ng tao, depende yan sa situation nila e. Like let's say, yung mga mahihirap at mayayaman. Kung mahirap ka, tas naguwi yung nanay mo ng masarap na pagkain, tas hinain niya sa mesa yung pagkain, tas sabay sabay kayo ng pamilya mo kumaen, masaya kayo diba? Kasi para sa araw na iyon, may nakaen kayo tas magkakasama pa kayo. diba? Tas, let's say yung mga mayayaman, kumaen sila sa isang mamahalin na restaraunt kasama pamilya nila, let's say masaya din sila, okay, so ayun, masaya nga sila. hahah. (gulo ko). Pero sa tingin mo, sino yung mas masaya ang pakiramdam sa loob?.. Hindi mo masasabi diba? Pero hindi mo rin pwedeng sabihin na mas masaya yung mga mayayaman, kasi pareho lang naman silang nabusog at kasama yung mga pamilya nila diba? My point is you don't need a lot of complicated things, or money to feel happy. Kung baga e, yung level of happiness na naramdaman nung mayaman at mahirap e pareho lang. right?
Ngayon, naisip ko lang, dati sa pinas, anu anu nga ba yung mga simpleng bagay na nagpasaya sakin? so I made a list. etoh. =)
1) Pag first day of school. =)
2) Pag gumising ako sa umaga ng sobrang aga para pumasok, tas umuulan, tas biglang, sasabihin sa akin na "classes are suspended".. nakoh, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya at makakatulog ulet ako. =)
3) Pag may field trip/retreat. =)
4) Pag uwian na, tas sasabihin ko kay kuya sa bus, "kuya second trip na lang ako" tas tatambay ako sa green chairs, or iikot around the school.
5) Pag nagstostop-over kami from the bus para bumili ng merienda like Zagu, Sago't Gulaman, Melon or Buko Juice, Turon, at kung anu-anu pa.
6) Pag inaasar namen yung tindera ng mga gulaman o yung konduktor namen. hahah.
7) Pag uuwi ako sa bahay galeng school at may dadaan ng nagtitinda ng fishballs o kikiam.. nakoh.
8) O kaya, pagka-uwi ko din, punta ako ng tindahan, bili ng chips, tas softdrinks sa plastik, tas uwi sa bahay at manunuod ng TV. =)
9) Our kwentuhan sessions sa school bus at mga laugh trip namen. =)
10) Pag field demo na at wala kaming ginagawa sa school.
11) Pag may activity sa school na wala kaming clase at wala kaming ibang ginagawa kundi umikot ikot sa school.
12) Oh first fridays sa school. I love the school mass, PLUS, you get to miss 1st and 2nd period. hahah.
13) Pag may family gatherings at lahat ng pinsan mo ay dadating. yes, excited nako nun.
14) Telebabad habang umuulan. Nako. =)
15) Text everyday and every night. AT MAY SENSE MGA KAUSAP MO. hahaha.
16) Pag wala kaming teacher sa period. hahah. mag-ingay na.
17) Sa Q.C. pag tumatambay sa tindahan, tas may gitara pa, talagang feeling kanto girls e. hahah.
18) Pag nagbabakasyon kami sa Batangas. Yihee.
19) Kwentuhan lang with super makukulet na tao.
Hahah. Grabe. I mean, feeling ko, yung level of happiness niyang lahat na yan pare-pareho lang. Hanggang ngayon, pag masaya ako, ganyan din yung level of happiness na nararamdaman ko.
Isa lang talaga yung super lumampas lampas pa sa level up. Ayun ay nung.. hahahah. okay. =) nevermind. hahah.
So hindi mahirap maging masaya. Just forget all the complicated things, and just always go back and appreciate the simple things that happens in your life. Hindi mo man mapapansin ngayon, pero, sa susunod, malalaman mo rin na, "Ay masaya pala yun.." tipong ganun.
So always be happy. =)